Advertisers
KINUMPIRMA ni Senador Christopher “Bong” Go na “cut short” ang kanilang Christmas break ni Pangulong Rodrigo Duterte simula bukas.
Sinabi ni Go na ito ay para bigyang daan ang pulong ni Pangulong Duterte sa Inter-Agency Task Force sa Malakanyang bukas.
Ayon kay Go, “very much concern” sila ni Pangulong Duterte sa sitwasyon ng bansa partikular sa COVID-19 pandemic kaya isasantabi muna nila ang kanilang personal na bakasyon.
Inaasahang bukas mabubuo ang magiging community quarantine sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa na may mataas pa ring bilang ng COVID-19 cases.
Samantala, sa kabila ng holiday seasons, tuloy pa rin ang pag-iikot ni Go sa ilang lugar sa bansa para magdala ng tulong kabilang na ang ilang lugar sa Visayas at Mindanao. (Mylene Alfonso)