Advertisers
Iminungkahi ng Philippine College of Physicians (PCP) na ibalik sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila ng dalawang linggo dahil sa inaasahang pagpalo ng kaso ng Covid-19 sa apat na libo kada araw pagkatapos ng Holiday season.
Ayon kay Maricar Limpin Vice President ng PCP, kailangang higpitan ang quarantine measures na pinapatupad ngayon para masiguro na hindi na dumami pa muli ang kaso ng Covid-19.
Sinabi ni Limpin na tila nakakalimot ang mga tao dahil lang sa Pasko ay inaakalang ligtas na at ginagawa na ang dating mga Gawain.
Paalala ni Limpin, hanggang sa ngayon ay nasa pandemya pa rin tayo at hindi pa tuluyang napupuksa o natatalo ang Covid-19.
Binigyan diin din ni Limpin na paigtingin ang contact tracing at Covid-19 test para mapigilan ang virus.
Sa panig naman ng Department of Health (DOH), wala pa silang inilalabas hingtgil sa bagong quarantine status dahil patuloy pang ini-eksamin ang datos.(Jocelyn Domenden)