Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 766 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Lunes, Disyembre 28.
Samantala ay mayroon namang naitalang 104 na gumaling at 15 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.8% (22,746) ang aktibong kaso, 93.2% (438,780) na ang gumaling, at 1.94% (9,124) ang namatay.
Ang mga lugar naman na kabilang sa may naitalang mataas na kaso ay ang Davao City, 60; Quezon City, 46; Benguet, 41; Laguna, 39 at Rizal, 37.
Samantala, nagpaalala ang DOH na sa paghahanda ngayong Bagong Taon, huwag kalimutan ang pag-iingat at kaligtasan. Payo ng DOH gumamit na lamang ng alternatibong “noise makers”. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)