Advertisers

Advertisers

ILANG MIEMBRO NG GABINETE NATURUKAN NA NG COVID VACCINE!

0 380

Advertisers

KINUMPIRMA ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na nabigyan na ng covid-19 vaccine ang ilang sundalo na miyembro ng Presidential Security Group (PSG) at Cabinet members.
Paliwanag ni Año, ang pagbibigay proteksyon sa mga sundalo ay upang maprotektahan na rin si Pangulong Rodrigo Duterte.
Bukod sa mga PSG, naturukan din ng China made vaccine na Sinopharm ang ilang Cabinet officials kahit na hindi pa ito aprubado ng Foods and Drugs Administration (FDA).
Dagdag pa ni Año, hindi ito bawal sa ilalim ng emergency use authorization.
Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na nabakunahan na ang mga sundalo na kinumpirma naman ni Philippine Army Chief LtGen. Cirlito Sobejana na mayroon nabigyan ng bakuna ng anti covid-19 vaccine mula sa hanay ng Armed Forces the Philippine (AFP) ngunit tumanggi itong tukuyin ang unit ng mga ito. (Jonah Mallari/Mark Obleada)