Advertisers
BILANG pakikiisa ng mga katutubong Agta sa pamahalaan, nagkilos-protesta ang mga ito para itatwa ang gawain ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) sa Sitio Kalbo, Barangay Dissimungal, Nagtipunan, Quirino.
Inihayag ng mga katutubo ang kanilang pagkadismaya at galit sa CPP-NPA dahil sa ginagawang panghihikayat sa iba nilang kasamahan para sumapi sa armadong grupo kasabay ng 52-taon anibersaryo ng makakaliwang grupo.
Ayon kay Dupan De Guzman, ang punong tagapamahala ng mga Agta, hinimok niya ang kanyang mga kasamahan na huwag sumapi sa NPA at iwasan ang magpagamit sa mapanlinlang na gawain laban sa gobyerno.
Nagpasalamat ang dating rebelde na si alyas Isagani sa gobyerno dahil sa patuloy na pagbibigay ng tulong sa kanyang pamilya.
Aniya, huwag basta maniwala sa mga salita at pangako ng CPP-NPA dahil tiyak na sisirain lang ang buhay ng isang indibidwal.
Lubos na nagpasalamat si LTC. Ali Alejo, pinuno ng 86IB, sa katutubong Agta sa patuloy na pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga NPA at sa patuloy na pagsuporta sa pamahalaan. (Rey Velasco)