Advertisers
Advertisers
Advertisers
NAGTUNGO nitong Lunes ng umaga ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kampo ng Kapuso celebrity na si Maine Mendoza para magsampa ng reklamo kaugnay sa isang kumalat na “sex video” sa social media.
Kasama ang kanyang ina at abogado, naghain ang aktres ng reklamo sa NBI Cyber Crime Division na pinamumunuan ni Atty. Victor Lorenzo.
Sinabi ni Mendoza na kamukha niya ang babae sa video pero mariing itinanggi na siya ang iyon.
Sinabi ng Triple A management na siyang nagma-manage sa karera ng aktres na peke ang naturang sex video at halatang minanipula o in-edit lamang ito.
Nais ng mga itong mapanagot ang responsable sa sex video na nakaapekto sa imahe ni Mendoza.
Sinabi naman ni Lorenzo na magsasagawa sila ng masusing imbestigasyon hinggil sa naturang video. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)
Next Post