Advertisers

Advertisers

Single mom tinadtad ng saksak sa kuwarto katabi ang 3-anyos na anak

0 350

Advertisers

LAGUNA – Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang ginang sa Barangay Natividad, Pangil, lalawigang ito Linggo ng madaling araw.
Si Ginang Aimie Javier, 36 anyos, single mother, ay pinasok sa kanyang kuwarto at tinadtad ng saksak ng hindi pa nakikilalang salarin sa Barangay Natividad.
Sa inisyal na ulat ni Police Lt. Ragemer Hermedilla, hepe ng pulisya, 5:15 ng umaga nang matuklasan ng kanyang mga kapitbahay ang insidente dahil sa walang tigil na pag-iiyak ng tatlong gulang na anak na lalaki ng biktima.
Ang nakahandusay na biktima ay naliligo sa kanyang sariling dugo, tadtad ito ng 30 saksak sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.
Katabi ni Javier na natutulog ang anak na masuwerte namang hindi ginalaw o idinamay ng salarin.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na puwersahang dumaan sa likod ng maliit na bahay ang salarin.
Hinala ng pulisya, posibleng pinagtangkaan pagsamantalahan ng salarin ang biktima pero nanlaban ito kaya nauwi sa pamamaslang.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya.
(Dock Garay)