Advertisers
KINUMPIRMA ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na wala pang Pilipino sa United Kingdom ang tinatamaan ng bagong variant ng coronavirus.
Base umano ito sa ulat ng mga opisyal ng DOLE sa UK.
Magpupulong din aniya ang Inter-Agency Task Force (IATF) ngayong araw para talakayin ang travel restrictions para sa mga biyahero na magmumula sa ibang bansa na may naitalang kaso ng bagong COVID-19.
Posible raw na magkaroon na ng desisyon mamaya para sa mga lugar na mayroong kaso ng bagong variant ng coronavirus gaya ng Australia, Singapore, at Japan ay ikokonsidera na ring isama sa travel ban.
Una nang sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na ang mga pasahero na manggagaling sa mga bansa na may bagong vairant na ng coronavirus mula UK ay kakailanganin na ring sumailalim sa mandatory 14-day quarantine pagdating sa bansa. (Josephine Patricio)