Advertisers

Advertisers

22-anyos na misis inatado ng saksak ng adik na mister

0 312

Advertisers

NASAWI ang 22-anyos na misis nang pagtatagain at saksakin ng sarili nitong asawa sa Urbiztondo, Pangasinanan.
Ang salarin ay kritikal din ang lagay nang magsaksak naman sa sarili.
Kinilala ang biktima na si Irene Castro, na naulila ang tatlong anak.
Kritikal naman ang lagay ng salarin na si Melvin Castro na nahaharap sa kasong pagpatay sa kaniyang misis.
Sa ulat, kauuwi lang sa kanilang bahay ang biktima mula sa trabaho nang magkaroon sila ng pagtatalo na mag-asawa.
Nagdilim unano ang paningin ng mister nang sabihin ng misis na gusto na niyang makipaghiwalay.
Ayon kay Police Major Michael Datuin, hepe Urbiztondo Police Station, may palatandaan na nanlaban ang biktima dahil may mga sugat din ito sa kamay.
Naniniwala naman ang mga kaanak ng biktima na labis na selos ang motibo sa krimen at posible umanong nakainom at nakadroga ang mister.
Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang bolo na ginamit ng salarin.