Advertisers
KULONG ang isang punong barangay nang mapatay nito ang isang naghuhurimintado sa probinsya ng Cotabato.
Kinilala ang naaresto na si Bernardo Azucena, kapitan ng Barangay Magcaalam, Magpet, North Cotabato.
Nabaril ni Azucena si Reneboy Nailes, 35-anyos, may asawa at residente rin ng Brgy. Magcaalam.
Ayon kay Magpet Chief of Police, Major Bryan Espinosa, rumesponde ang kapitan nang makatanggap ng ulat na nagwawala si Nailes at lango pa sa alak.
Tinangka aniyang tagain ng biktima si Kapitan Azucena, dahilan para barilin nito si Nailes.
Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit hindi na ito umabot ng buhay dahil sa mga tinamong tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.
Inihayag ni Kapitan Azucena na self defense lamang ang kanyang ginawa.
Nakapiit na sa Magpet PNP ang kapitan at naisampa na rin sa korte ang kasong pagpatay.