Advertisers

Advertisers

Border control, travel restrictions higpitan — Bong Go

0 257

Advertisers

UMAPELA si Senate committee on health chairman, Senator Christopher “Bong” Go sa pamahalaan na ipatupad ang mas mahigit na border control measures at travel restrictions upang maiwasan ang paglaganap sa bansa ng kumakalat na mas nakahahawa na isang uri ng COVID-19.

“Dapat tayong maging handa na, ‘wag na nating antayin na may kumalat pa, lalong-lalo na sa ating bansa. Kung may balitang may new strain sa isang lugar, ayaw nating pumasok ‘yan dito … lessons learned na tayo,” ani Go.

Kaya naman suportado ni Go ang panawagan na ikonsidera ng gobyerno ang mas estriktong travel ban sa bansang “high risk” o may naitala nang transmission ng bago o ibang uri n COVID-19.



“We must consider imposing a strict travel ban for those whose country of origin is considered high-risk … para sa akin, kung meron pong nababalita na new variant do’n sa lugar nila, ibig sabihin red flag na po ‘yan,” paliwanag ng senador.

Sinabi ni Go na kung gaano kabilis kumalat at mag-evolve ang nasabing sakit, mas mabilis at mas akma dapat ang mga mekanismo ng gobyerno upang maprotektahan ang buhay ng bawat Pilipino.

“Mas mabuting paigtingin pa natin. Kung kailangang i-ban, i-ban po natin. ‘Wag na nating antayin pa na dumating dito sa ating bansa. Kung may nabalitaan tayong mga bansa na mayro’n nang kaso, do not wait. Ibig sabihin, kahit [isang] kaso lang ay pag-aralan na kaagad,” ayon sa senador.

Sinabi ni Go na ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ay inaasahan mag-aanunsyo ng bagong guidelines sa border patrol at iba pang kinakailangang hakbang.

Sa nakaraang pagpupulong, pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naunang two-week ban sa mga biyahero mulang United Kingdom hanggang kalagitnaan ng Enero.



Iniutos din ng Pangulo na ang lahat ng biyaherong pumapasok sa Pilipinas mula sa mga bansang may iniulat nang bagong kaso ng COVID-19 gaya ng Australia, Hong Kong at Singapore, ay isailalim sa mandatory 14-day quarantine, anoman ang resulta ng kanilang RT-PCR test.

Ngunit sinabi ng senador na anomang paghihigpit, ang Pilipinas ay dapat mas maging handa sa ibibigay na suporta at pagtanggap sa mga nagsisiuwing overseas Filipinos, lalo ang mga nawalan ng trabaho o na-stranded sa ibang bansa.

“Kung meron man tayong papayagang pumasok sa bansa, ito ay ang ating mga kababayang OFWs … dahil kawawa po sila na-stranded sa ibang bansa at gustong bumalik dito sa atin. Wala na po silang trabaho, Pasko at new year pa. Sila po ‘yung alagaan natin nang mabuti,” sabi ni Go.

“’Yung ilalagay diyan sa (New) Clark (City) muna, quarantine, at makauwi po sa kanilang probinsya. Siguraduhin nating negative sila para hindi makahawa naman po. Pero ‘wag natin silang pabayaan na naka-stranded sa ibang bansa, lalong-lalo na ‘yung may mga new variant na,” giit pa niya.

Ang bagong variant ng COVID-19 ay nadiskubre sa UK noong Setyembre at naging dominant variant na ng coronavirus sa iba pang bansa.

Ito ay sinasabing 71% na mas mabilis kumalat ngunit wala pa namang ebidensiya na mas nakamamatay. (PFT Team)