Advertisers
CAUAYAN CITY – Dina-kip ng pulisya ang isang negosyante at kalaguyo nito nang maaktuhang nagsasama sa mismong bahay ng negosyante at legal na misis nito sa Santiago City.
Ang mga inaresto ay itinago sa pangalang Ronald, 52- anyos, negosyante at residente ng Barangay Naggasican, Santiago City; habang itinago rin sa pangalang Shane ang kalaguyo nito, 46, ng Reina Mercedes, Isabela.
Itinago naman sa pangalang Myrna ang asawa ng lalaki, 51, isang OFW.
Sa ulat, nagtungo sa Santiago Police Station 1 ang orig na misis upang humingi ng police assistance at ipadakip ang magkabit nang madatnan nagsasama sa kanilang bahay na mag-asawa.
Napag-alaman na 2018 pa nang magsama ang dalawa at ayon umano sa lalaki, alam ito ng kanyang misis.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 (Anti Violence Against Women and Their Children ) ang dalawa, habang karagdagang kaso na paglabag sa Presidential Decree 705 (Anti Illegal Logging Act) ang kakaharapin ni Ronald dahil sa pagkakasamsam ng halos 427 board feet ng hinihinalang pinutol na G-Melina.
Nakatakdang ipasakamay sa DENR San Isidro ang mga nakumpiskang kahoy sa bahay ni Ronald.