Advertisers
TIMBOG ang isang lider ng criminal group sa buy bust operation ng pulisya sa Malate, Maynila.
Kinilala ang nadakip na si Asri Sali, lider ng Bolot Crime Group. Nasakote rin ang kasabwat nito na si Virginia Dela Cruz.
Nahuli si Sali sa may kanto ng Aldecoa Street at Roxas Boulevard Service Road sa Malate.
Nakumpiska kay Sali at Dela Cruz ang limang sachet ng shabu na may bigat na isa hanggang dalawang gramo na nagkakahalaga ng higit P13,000.
Nabatid na matagal nang isinailalim ng pulisya sa surveillance si Sali.
Grupo ni Sali ang responsable sa ilang krimen sa ilang bahagi ng Maynila bukod pa sa pagbebenta ng iligal na droga.