Advertisers
PINANGALANAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang mga kongresista na umano’y sangkot sa katiwalian partikular sa anomalya sa mga imprastrakturang proyekto.
Sa public address ni Pangulong Duterte kasama sa pulong ang inter-agency task force nitong Lunes (Disyembre 28) kaniyang isinapubliko ang listahan mula sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na naglalaman ng pangalan ng mga government official na umano’y sangkot sa korapsyon.
Kabilang sa mga inihayag ng Pangulong Duterte ang mga sumusunod na kongresista:
Quezon Rep. Angelina Helen Tan
Dating Ifugao Rep. Teodoro Baguilat
Quezon City Rep. Alfred Vargas
Occidental Mindoro Rep. Josephine Sato
ACT-CIS Rep. Eric Yap
Bataan Rep. Geraldine Roman
Misamis Occidental Rep. Henry Oaminal
Northern Samar Rep. Paul Daza
Sinabi ng Pangulo na si Tan ay sangkot umano sa maanomalyang proyekto ng DPWH sa Quezon Province partikular sa bagong ginawang kalsada na hindi nabuksan para magamit ng publiko na agad naman nawasak dahil sa nagdaang bagyo.
Ayon kay Pangulong Duterte ang pagpahayag niya ng mga pangalan ng mga nasa listahan ay hindi naman nangangahulugang lahat sila ay guilty na sa korapsyon.
Kung matatandaan ang asawa ni Rep. Tan na si DPWH regional director Engr. Ronnel Tan ay dati ng inireklamo ni Quezon councilor Arkie Manuel Yulde ng kasong administratibo at kriminal dahil sa pagpapaagaw umano ng pera sa isang party na aabot sa P2 hanggang 3 million ang halaga.
Ayon pa kay Yulde na si Tan ay sangkot din umano sa P14 billion PhilHealth scandal.
(Vanz Fernandez)