Advertisers
PINAGBABARIL ng apat na armadong kalalakihan ang isang aktibong pulis habang nag-aayos ng sasakyan sa tapat ng kaniyang bahay, Linggo ng hapon sa Brgy. Datu Esmael Dasmarinas Cavite.
Kinilala ang biktima na si PSSg Roseman Batao, 36, may asawa, aktibong miyembro ng PNP na nakatalaga sa Tiaong MPS, at residente ng Gumamela St., Blk. 39 Lot 3, Brgy Datu Esmael, Dasmariñas City, Cavite.
Hindi naman nakilala ang apat na salarin na pawang mga armado ng de kalibreng baril na mabilis na nagsitakas sakay ng kulay gray Honda City na walang plaka.
Sa ulat, 2:20 ng hapon habang nag-aayos ng kaniyang sasakyang Toyota Hi-ace van ang biktima sa tapat ng kanyang bahay nang pagbabarilin ito ng mga salarin.
Sa kasalukuyan, wala pang malinaw na motibo sa naganap na pamamaslang sa nasabing pulis.
Ayon sa pagsisiyasat ng Dasmarinas Police, dating pulis Maragondon ang biktima na nakatalaga sa intel, taong 2016-17. (Irine Gascon)