Advertisers
Mismong ang may-ari ng motorsiklo na gamit sa kaniyang Food Panda delivery service ang nagsagawa ng citizen arrest sa karnaper na naaktuhang tumatangay nito sa Pasay City, Miyerkules ng hapon.
Kalaboso at nakatakdang sampahan ng reklamong carnapping sa Pasay City Prosecutors’ Office ang suspek na kinilalang si Aldrin Tobice, 32, ng Purok 4, San isidro Labrador St., Camarin Caloocan.
Sa ulat, 1:50 ng hapon ng Disyembre 30, 2020 nang maganap ang insidente sa harapan ng Wendys Parking, sa Gil. Puyat Ave., Pasay City.
Nabatid na nabawi ng biktimang si John Mcklein Sobremonte, 23, food panda delivery, residente ng Emma St., Pasay City, ang kaniyang Mio Sporty.
Ayon sa report, tangay-tangay na ng suspek ang motorsiklo nang mapansin ito ng saksing si Ryan Cuello, 38, isa ring food panda delivery, na agad siyang pinigilan at ipinaalam sa biktima, na siya na ring umaresto at nagdala sa himpilan ng pulisya.