Advertisers
Pinatay ang kontrobersiyal na negosyante sa Lower Fulton Street, Barangay Apas sa lungsod ng Cebu Sanado ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Ruben Feliciano, dating tumakbo sa pagka-alkalde sa bayan ng San Fernando, Cebu noong 2019 election.
Sa ulat, kakaparada pa lang ni Feliciano sa kanyang kotse kasama ang kanyang pamangkin sa tapat ng inuupahang apartment sa Blue Garden Residences sa lugar nang biglang dumating ang isang van at lumabas ang isang salarin na bumaril-patay sa biktima na agad tumakas sa pinangyarihan ng krimen sakay ang van.
May sakay na limang katao ang van na ginawang “get-away vehicle” ng salarin.
Nagtamo ng dalawang tama ng bala ang biktima batay sa mga basyo ng bala na narekober sa crime scene.
Habang ang pamangkin ng biktima na si Kim Feliciano ay agad namang isinugod sa ospital dahil sa natamong sugat sa pangyayari.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa krimen habang tinitignan na rin ang lahat ng mga CCTV footage na malapit sa pinangyarihan ng insidente upang makatulong sa imbestigasyon.