Advertisers

Advertisers

Motorsiklo bumangga sa traktor: backrider, todas

0 464

Advertisers

NASAWI ang backride ng isang motorsiklo habang inoobserbahan sa ospital ang driver nito nang bumangga sa nakaparadang traktor sa gilid ng kalsada sa sa isang palikong daan sa General Mariano Alvarez (GMA), Cavite Sabado ng madaling araw.
Kapwa isinugod sa ospital magkaangkas sa motorsiklo na sina Richard Querrioso, nasa wastong edad ng Block 6 lot 3, Brgy. Lumbreras, GMA; at Onesimo Timcang ng Phase 5 Narra 1, Bulihan, Silang pero idineklarang dead on arrival si Querrioso.
Sa ulat, binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng Mindanao Ave., Samaka Site, Brgy. Gavino Maderan ng naturang bayan 12:30 Biyernes ng madaling araw sakay ng isang motorsiklong Kawasaki Barako na minamaneho ng Timcang pero pagsapit sa isang palikong bahagi nang mapunta ang minamanehong motorsiklo sa kabilang linya ng kalsada at bumangga sa harapang bahagi ng isang UD truck tractor na may plakang NCE 1282 na nakaparada sa gilid ng kalsada.
Kapwa isinugod sa ospital ang dalawa subali’t hindi na umabot ng buhay si Querrioso dahil sa matinding pinsala sa katawan.(Irine Gascon)