Advertisers

Advertisers

P.4m shabu nasamsam sa 4 tulak sa Malabon

0 249

Advertisers

ARESTADO ang apat na drug personalities nang makumpiskahan ng baril at halos P.4 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Malabon city.
Kinilala ang mga naaresto na sina Eduardo Sanchez, 47, (pusher/listed) ng Santos St., Barangay Niugan; Nicolo Felongco, 36, (pusher/listed), grab driver; Leo Ponce, 42, kapwa ng Sta. Rita St., Sto Rosario Village Brgy. Baritan; at Marlon Sarmiento, 37, (user/listed) N. Vicencio St., Brgy. Niugan.
Sa ulat, 2:45 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Sta. Rita St..
Nakumpiska sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 55 gramo ng shabu na nasa P374,000 ang halaga.
Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga suspek.