Advertisers

Advertisers

Parak nadale ng ‘basag-kotse’, baril at P95K cash natangay

0 289

Advertisers

ISANG naka-off duty na pulis ang nawalan ng halos P100,000 cash at kanyang personal na baril nang mabiktima ng “basag-kotse” sa Barangay Bitas, Cabanatuan City nitong new year’s day.
Kinilala ang biktima na si Police SMS Christian Hernandez, 41, ng Mulawin St., Barangay Bitas, na naka-assign sa Sto. Domingo Police Station.
Sa report, natangay sa biktima ang P95,000 cash nito na nakalagay sa isang sling bag at isang Glock .9mm pistol.
Ayon sa ulat, 1:30 ng hapon nitong Biyernes habang naka-park sa kahabaan ng Maharlika Highway sa harap ng bahay ng biktima ang kanyang sasakyan na Subaru Forester, may plakang NAP-5489, nang putaktiin ng hindi pa batid na bilang ng mga suspek.
Binasag ng mga kawatan ang likurang bintana sa kanang bahagi ng sasakyan sa kabila na tirik pa ang sikat ng araw at maraming sasakyan at taong dumaraan saka nilimas ang laman nito.