Advertisers

Advertisers

BAGONG METROPOLITAN THEATER, MAGBUBUKAS NA ABRIL

0 223

Advertisers

MAGBUBUKAS na sa Abril, 2021 ang bagong Metropolitan Theater o MET na matatagpuan sa Lawton, Manila. Ito ang pahayag ng National Commission for the Culture and the Arts (NCCA) at ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP).

Nabatid na ang pagbubukas sa MET ay isasabay na rin sa quincentennial o ika-500 taong anibersaryo ng makasaysayang “Victory in Mactan.”

Ayon sa NCCA, target na matapos ang isinasagawang restorasyon o rehabilitasyon ng MET bago ang naturang okasyon dahil isa sa mga aktibidad para sa paggunita ng anibersaryo ng Victory in Mactan ay gagawin sa MET sa Abril 27, 2021.



Magkakaroon anila dito ng quincentennial evening show o palabas, kung saan makikita ang “new look” ng teatro na noo’y sikat na sikat bilang tanghalan ng mga mahuhusay na Filipino artists.

Nabatid na ang 88-taong gulang na teatro ay deklarado bilang National Historical Landmark at National Cultural Treasure.

Nakaligtas ito sa World War II bombing noong Battle of Manila, ngunit nagsara ito noong 1996 dahil sa ilang isyu.

Sa ngayon naman ay unti-unti nang binubuhay at isinaayos ang MET, sa pagtutulungan ng NCCA, NHCP at lokal na pamahalaan ng Maynila, sa pamumuno ni Manila Mayor Isko Moreno. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">