Advertisers

Advertisers

Bong Go: Walang palakasan sa travel restrictions

0 319

Advertisers

DAHIL sa ulat na paglaganap ng bagong strain ng coronavirus disease (COVID-19) sa marami pang bansa, muling umapela si Senator Christopher “Bong” Go sa mga awtoridad na ipagpatuloy ang paghihigpit sa travel restrictions at estriktong ipatupad ang health protocols para maiwasan ang pagpasok nito sa bansa.

“Nasa balita na mas kumalat pa ang bagong strain ng COVID-19 sa mas maraming bansa sa mundo. Huwag nating hayaang umabot ang bagong strain na ito sa ating bansa,” sabi ni Go.

Sa kasalukuyan ay sinuspinde na ng Pilipinas ang lahat ng flights sa 21 bansa na napasok na ng bagong COVID-19 strains.



Gayunman, sinabi ni Go na mas dapat palawakin ang paghihigpit sa mga bansang may bagong variant ng virus.

“Kung gaano kabilis kumalat ang sakit na ito, mas mabilis pa dapat ang aksyon natin para proteksyunan ang buhay ng bawat Pilipino. Matuto na tayo sa pinagdaanan natin noong nakaraang taon. Sabi ko nga, lessons learned na ito,” ani Go.

Ayon kay Go, kinakailangan ding higpitan ang monitor sa development ng mga apektadong bansa para matiyak na ang mekanismo sa pagpoprotekta sa buhay ng Filipith ay nasa ayos.

“Kailangang regularly ma-review ang mga patakarang ipinapatupad natin. Huwag natin hayaan maunahan pa tayo ng pagkalat ng sakit,” ani Go.

“Kung may balita na may new strain na sa bansang iyon, idagdag na dapat agad sa travel ban. Striktohan na. The stricter, the better, dapat laging handa tayo. Mas mabuting una na tayo,” idinagdag ng senador.



Batay sa ulat, ang bagong COVID-19 strain, tinatawag na B.1.1.7, ay kumalat na sa 34 bansa mula sa inisyal na 21.

“Habang ginagawa natin ang lahat para malampasan ang krisis at mabigyan ng ligtas na bakuna ang mga kababayan natin, gawin rin natin ang lahat ng ating makakaya para hindi na dumagdag sa problema natin ang bagong strain ng COVID-19,” giit niya.

“Sobra na ang sakit ng ulo ng mga Pilipino, ayokong madagdagan pa ang sakit ng ulo natin. Hindi pa nga tayo natapos sa problemang ito, hindi pa nga natin nakukuha ang bakuna para sa naunang variant, may panibagong strain pa, panibagong sakit ng ulo nanaman,” aniya pa.

Nagbabala pa siya sa pubiko na ang mga patakaran na ipinatutupad ng gobyerno ay para sa kaligtasan ng bawat isa at dapat ay walang exemptions.

“Mayroong balita na may iilang humihingi ng exemption sa travel ban o sa quarantine measures. Huwag niyo unahin ang sarili ninyo, unahin niyo ang kapakanan ng nakararami.”

“Walang mapapalusot kahit sino. Pantay pantay ang patakaran. Walang pili — mayaman o mahirap. Para naman ito sa kapakanan ng bawat Pilipino. Buhay ng bawat isa ang unahin natin,” anang mambabatas. (PFT Team)