Advertisers
MULING nakapagtala ng mababang bilang ng mga kaso ng covid-19 ang Departmentf of Health (DOH) nitong Lunes, Enero 4.
Batay sa inilabas na case bulletin, nasa 959 lamang ang nadagdag sa kaso dahilan para umabot sa 478,761 ang kabuuang tinamaan ng sakit sa bansa.
Samantala ay mayroon namang naitalang 26 na gumaling at 6 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.4% (21,219) ang aktibong kaso, 93.6% (448,279) na ang gumaling, at 1.93% (9,263) ang namatay.
Ang Quezon City naman ang nanguna ngayon sa may naitalang mataas na kaso mula sa Top 5 na probinsya at syudad na mayroong 73 kaso.
Sinundan ito ng Davao City na nakapagtala ng 70; Rizal, 58; Agusan del Sur, 44 at Laguna na may 41 kaso.
Binigyan diin ng DOH na ang mababang bilang ng kaso na iniulat ngayong araw ay dahil pa rin sa pagbaba ng bilang ng mga pasyente na nagtutungo sa mga covid-19 laboratories nitong holiday season. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)