Advertisers

Advertisers

DOH: 13,660 health care workers na ang tinamaan ng covid-19

0 216

Advertisers

NASA 13,660 ang kabuuang bilang ng mga healthcare workers sa bansa na tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa Department of Health (DOH), ang magandang balita naman ay umabot na rin sa 13,301 sa mga ito ang nakarekober o gumaling na mula sa naturang karamdaman.
Samantala, nananatili pa rin naman sa 76 ang bilang ng mga healthcare workers na binawian ng buhay dahil sa virus.
Batay pa sa tala ng DOH, ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng healthcare workers ay aabot pa sa 283.
Sa nabanggit na bilang, 133 ang mild cases habang 124 naman ang asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ng virus.
Ang 13 sa kanila ay nasa severe condition o malala ang kalagayan; 11 naman ang nasa kritikal na kondisyon; at dalawa ang nasa moderate na kondisyon.
Ayon sa DOH, karamihan pa rin sa healthcare workers na nagkasakit ng COVID-19 ay mga nurse, na may mahigit 4,800 na mga kaso.
Sinundan ito ng mga doktor, nursing assistant, medical technologists, admin staff at iba pa. (Andi Garcia)