Advertisers

Advertisers

Double murder conviction vs Nuezca ikinakasa ng DOJ

0 242

Advertisers

TINITINGNAN na ng Department of Justice (DOJ) ang posibleng pagsasampa ng double murder laban kay Police M/Sgt. Jonel Nuezca sa pagpatay nito sa mag-inang Gregorio sa Paniqui, Tarlac noong Disyembre 20, 2020.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, inaantay na lamang nila ang Regional Trial Court Branch 67 ng Paniqui na magtakda ng arraignment kay Nuezca matapos makitaan ng Office of the Provincial Prosecutor ng posibleng pagsasampa ng two counts murder.
Una nang sinampahan ng murder ni Assistant Provincial Prosecutor Manuel Pascua Jr. si Nuezca noong Disyembre 21 sa pagpaslang nito sa mag-inang Sonia at Frank Anthony Gregorio.
Kaugnay nito, minamadali na ng PNP-Internal Affairs Service (IAS) ang pagresolba sa kasong administratibo laban kay Police Master Sergeant Jonel Nuezca.
Ayon kay PNP Chief General Debold Sinas, ang kaso ni Nuezca ay tatapusin sa katapusan ng linggong ito at pagdating ng Lunes ay inaasahang lalabas na ang resolusyon sa kaso.
Paliwanag naman ni Sinas, si National Capital Region Police Office acting director Police Brigadier General Vicente Danao ang magpapasya kung susunod siya sa rekomendasyon ng IAS dahil si Nuezca ay nasa hurisdiksyon ng NCRPO.
Si Nuezca ay naka-assign sa Parañaque City Police Crime Laboratory. (Jocelyn Domenden/Mark Obleada)