Advertisers
INATASAN ni Philippine National Police Chief Gen. Debold Sinas, ang Anti-Cybercrime Group (ACG) na i-monitor ang di umano pagbebenta ng mga malalaswang litrato at video ng mga estudyante sa social media upang mayroon pagtustos o gastos sa kanilang pag-aaral.
Ayon kay Sinas, aatasan niya ang kanilang PNP ACG upang mag-monitor o imonitor ang pagpo-post sa mga social media ng mga di umano’y nagbebenta ng mga malalaswang litrato at video ng mga estudyante.
“We will task our cybercrime to monitor this one and maybe track and inform the parents or forward it to DSWD for professional intervention,” ani Sinas.
Ipinaliwanag naman ni Sinas na hindi umano sila maaring basta mag-monitor ng mga social media account maliban lang kung mayroon nagrereklamo.
“Until such time na may magrereklamo tungkol doon, then it becomes already a kuwan pero kung personal nilang pinopost ‘yun, nasa kanila po ‘yun,” saad ni Sinas.
Sinabi ni Sinas na agad naman nila ipababatid o ipagbigay-alam sa DSWD dahil trabaho nila ito kami baka naman pag minomonitor naman na may ganito baka kami naman ang mapulaan.
Naunang ibinulgar ni Sherwin Gatchalian na nagkalat sa mga social media ang pagbebenta ng ilang mga estudyante ng malalaswang litratro at video upang maipangtustos sa kanilang pag-aaral. (Mark Obleada)