Advertisers
DINEPENSAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang Presidential Security Group (PSG) ukol sa isyu ng pagpapaturok ng mga ito ng COVID-19 vaccines.
Sa kaniyang national address, ipinagtanggol ng Pangulo ang pagpapabakuna ng kaniyang mga PSG.
Sinabi nito na isang uri ng “self-preservation” ang kanilang ginawa, kahit ano pang pagkuwestiyon o anumang uri ng kritisismo.
Nagbabala rin ang punong ehekutibo sa mga mambabatas na huwag pilitin ang mga PSG na magsalita tungkol sa usapin ng pagpapabakuna.
Hindi aniya nito papayagan ang mga PSG na tumestigo sa kongreso.
Matatandaan na inamin nitong nakaraang mga araw ni PSG commander Brig. General Jesus Durante III na nabakunahan na ang mga PSG. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)