Advertisers
PINASUSUSPINDE muna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang taas singil sa mga kontribusyon ng mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ayon kay Senator Christopher ‘Bong’ Go na inaayos na ng pangulo ang pagpirma nito ng papeles para sa nasabing hindi pagtuloy ng taas singil ng PhilHealth contributions.
Ang nasabing pagpigil sa taas singil ng PhilHealth contributions ay napapaloob sa Universal Health Care (UHC) Law.
Matatandaang nakatakdang magtaas ng 3.5 percent mula sa 3 percent na PhilHealth contributions para matiyak na mayroong sapat na healthcare benefits fund sa 110 milyon na miyembro ng PhilHealth. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)