Advertisers

Advertisers

NBI tuloy ang imbestigasyon sa ilegal na covid-19 vaccination ng PSG members

0 210

Advertisers

TULOY pa rin ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation ( NBI) sa umano’y hindi awtorisadong pagturok ng covid-19 vaccine sa mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG).
Ayon kay NBI Deputy Director at Spokesman Ferdinand Lavin, maaring ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga PSG na manahimik ay patungkol lamang sa imbestigasyon na isinasagawa ng Kongreso at hindi kasali dito ang NBI.
“Sa aking pakiwari, ‘yung pagsabi ng mahal na Pangulo ay patungkol naman sa Kongreso. Tuloy ang sa amin [investigation] unless that order of the Secretary is withdrawn,” ani Lavin.
Magugunitang sinabihan ng Pangulo ang mga miyembro ng PSG na huwag pansinin ang imbestigasyon ng Kongreso kaugnay sa hindi awtorisadong bakuna laban sa covid-19. (Jonah Mallari)