Advertisers
HANDANG manguna si Deputy Speaker at BUHAY Party-list Rep. Lito Atienza sa paghahain ng panukala para muling buhayin ang prangkisa ng ABS-CBN.
Sa isang text message, sinabi ni Atienza na maghahain din siya ng panukala sa mababang kapulungan upang magawaran ng prangkisa ang media network at makabalik sa ere.
Kahapon nang ihain ni Senate President Tito Sotto ang Senate Bill 1967 na layong gawaran muli ng 25 year-franchise ang ABS-CBN para makapagpagawa, makapag-install, operate at makapagpanatili ng television at radio broadcasting stations.
Noong Disyembre sa isang panayam ay sinabi na ni Atienza na posibleng ngayong 2021, sa ilalim ng bagong liderato ng Kamara ay muling matalakay sa plenaryo ang prangkisa ng network at makabalik din sa ere.
Bukod kay Atienza ay nagsabi na rin si Deputy Speaker Vilma Santos-Recto na maghahain siya ng bagong bill para sa renewal ng ABS-CBN franchise, sa mga susunod na araw. (Henry Padilla)