Advertisers
PATAY ang isang barangay tanod nang pagbabarilin habang nagbabantay sa checkpoint nitong Linggo ng umaga sa Floridablanca, Pampanga.
Kinilala ang biktima na si Joseph Laboneras Sr., 59-anyos.
Base sa kuha ng CCTV sa insidente, tumigil sa checkpoint sa Barangay del Carmen ang dalawang lalaki na nakasakay sa motorsiklo at binaril ang biktima.
Bago ang pamamaril, sinita umano ni Laboneras ang riding in tandem sa unang pagdaan ng mga ito dahil walang suot na face mask.
Patuloy pan ang operasyon laban sa mga salarin na tumakas sa direksiyon papuntang Guagua.