Advertisers

Advertisers

Anggulong smuggling sa pagbakuna ng covid-19 sa PSG members pinatutukan

0 263

Advertisers

KINALAMPAG ni House Committee on Dangerous Drugs Chair Robert Ace Barbers ang Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) na tutukan at hanapin ang mga nagpuslit at kakuntsaba nito sa Bureau of Customs (BOC) na posibleng nasa likod ng pagpapalusot ng hindi rehistradong China-made COVID-19 vaccines sa Pilipinas.
Paliwanag ng kinatawan, sinamantala ng smuggler ang pagkakataon nang mag-“donate” ito ng bakuna para gamitin ng Presidential Security Group at iba pang opisyal ng pamahalaan.
Posible kasi aniya na isinabay nito ang pagpupuslit ng sobrang bakuna na ngayon ay binibenta sa black market ng P20,000 kada turok o bakuna.
“Ang malamang na nangyari ay ‘nag-donate’ o nagbigay umano ng libre ang smuggler ng Sinopharm vaccines para gamitin ng mga PSG members at iba pang opisyal ng pamahalaan. Ang hindi natin alam ay kung gaano karaming vaccine ang ipinasobra at ipinasok ng smuggler sa bansa na ngayon ay ibinibenta sa black market ng P20,000 bawat inoculation,” pahayag ng kinatawan.
Diin ng Surigao del Norte solon, i-sentro ng government probe bodies ang imbestigasyon sa pagtukoy at pagpaparusa sa mga smugglers at kasabwat sa BOC na nagpalusot ng Sinopharm vaccines sa bansa.
Dagdag pa ni Barbers, hindi malayo na mayroong taong kumita ng napakalaki kasabay ng pagpupuslit ng bakuna na siyang dapat tukuyin agad ng mga otoridad upang mapanagot. (Henry Padilla)