Advertisers

Advertisers

Mga Senador sa PSG: ‘You’re not beyond the law!’

0 269

Advertisers

PINAALALAHANAN ng ilang senador ang Presidential Security Group (PSG) na hindi nila maaaring balewalain ang batas ng Pilipinas dahil lamang dinepensahan sila ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang naging pahayag nina Senators Richard Gordon at Leila De Lima makaraang ipag-utos mismo ni Pangulong Duterte na hindi sisipot sa anumang Senate hearing ang PSG.
May kaugnayan naman ito sa naging mainit na isyu kung saan inilantad ng Presidente na ilan sa miyembro ng PSG ang nakatanggap ng hindi otorisadong COVID-19 vaccine.
Ayon kay Sen. Gordon, tungkulin ng PSG na protektahan ang pangulo ngunit hindi ibig sabihin nito ay mas higit pa sila sa batas.
Kung nanaisin daw kasi ng mga ito na sundin sila ng publiko ay dapat matuto rin silang sumunod.
Para naman kay De Lima, sa Saligang Batas dapat nagiging tapat ang PSG at hindi kay Duterte.
Sa oras daw kasi na magbulag-bulagan ang mga ito sa pagiging korap at kriminal ng isang pinuno ay nagiging sunud-sunuran na lamang ang mga ito.
Tinawag pa ng senador na “Presidential Smuggling Group” ang mga ito.
Hindi rin dapat aniya ikagulat kung karamihan sa mga Pilipino ang hindi na naniniwala sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) dahil sa umano’y kaliwa’t kanang iligal at balikong utos ni Duterte.
Dagdag pa nito na responsibilidad ni Health Sec. Francisco Duque III na bantayan ang lahat ng ahensya sa ilalim ng Department of Health (DOH) para hindi na kumalat pa ang vaccine black market. (Mylene Alfonso)