Advertisers
NAGPAABOT ng pakikiramay ang Malakanyang sa pamilya ng yumaong si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim.
Napag-alaman na si MMDA Chairman Lim ay yumao sa edad na 65 bago mag-8:00 ng umaga nitong Miyerkules, Enero 6.
Sa isang statement ni Presidential Spokesman Harry Roque, mami-miss umano nila si Lim dahil sa pagiging professional nito sa pagganap ng kaniyang tungkulin mula nang siya ay itinalaga bilang head ng MMDA nooong Mayor 2017 na pinalitan ni Ginoong Thomas Orbos.
Kamakailan si Lim ay nagpositibo sa Covid-19 disease kaya’t nag-quarantine muna siya.
“The Palace expresses its deep condolences to the family, loved ones and colleagues of Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim who died before 8AM this morning at the age of 65,” ani Roque. (Vanz Fernandez)