Advertisers

Advertisers

50% Pinoy ayaw paturok ng covid-19 vaccine – Pulse survey

0 407

Advertisers

HALOS 50% ng mga Filipino adults ang hindi umano handang magpabakuna ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine ayon sa pinaka-latest Pulse Asia Survey.
Sa isinagawang survey ng Pulse Asia, nasa 95 percent ng mga Pinoy ang nagsasabing aware ang mga itong mayroon nang na-develop na covid vaccines.
Pero 47 porsiyento naman sa mga ito ang tumangging maturukan ng naturang bakuna.
Sa naturang data, papalo naman sa 84% ang ayaw magpabakuna dahil sa safety concerns.
Nasa 32% ang nagpahayag na handa silang magpa-bakuna habang 21 percent ang hindi sigurado kung magpapaturok ng covid vaccine.
Pitong porsiyento sa mga sumailalim sa survey ang nag-aalala kung libre nga bang ipamimigay ang bakuna at limang porsiyento ang naniniwalang hindi sagot ang pagbabakuna para malabanan ang covid.
Nasa apat na porsiyento naman ang nagsabing baka mahal ang mga lalabas na bakuna laban sa nakamamatay na virus.
Isinagawa ang survey mula November 23 hanggang December 2 sa 2,400 adults. (Josephine Patricio)