Advertisers
UMABOT sa 1,353 karagdagang kaso ng covid-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes, Enero 7.
Samantala ay mayroon namang naitalang 360 na gumaling at 9 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.9% (23,675) ang aktibong kaso, 93.1% (449,052) na ang gumaling, at 1.94% (9,356) ang namatay.
Kabilang sa mga lugar na may naitalang mataas na kaso ay ang Rizal na may 63 kaso.
Mayroon namang 62 ang Laguna, 60 sa lungsod ng Marikina, 58 sa Quezon City at 54 sa Davao City.
Kaugnay sa datos ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa, muling nagpaalala ang DOH sa publiko lalo na sa mga deboto ng Itim na Nazareno na sumunod sa minimum public health standards at health protocol. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)