Advertisers
CAMP VICENTE LIM – Inambus at napatay ang dating barangay kapitan ng Bgy. SanVicente, Sto. Tomas, Batangas nitong Huwebes ng umaga.
Kinilala ni PLt. Col. Armie Agbuya, hepe ng pulisya, ang biktima na si Dave Garcia, residente ng Bgy. San Vicente.
Sa ulat, nagtamo ng tatlong tama ng bala sa kanyang ulo at katawan ang biktima na malapitang pinutukan ng gunman na sakay ng itim na Montero SUV mismo sa harapan ng subdivision 6:00 ng umaga.
Sa kuha ng cctv footage, habang may kausap na tatlong lalaki si Garcia ay sumulpot ang Montero at bumaba ang isang lalaking nakasuot ng facemask at bullcap, nilapitan ang biktima at pinagbabaril.
Mabilis na tumakas ang salarin sakay ng Montero.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, nabatid na ang biktima ay kabilang sa Duterte drug list.
(DICK GARAY)