Advertisers

Advertisers

MGA RESIDENTE NG SJDM MABIBIGYAN NG LIBRENG BAKUNA – ROBES

0 3,125

Advertisers

TINIYAK nina Mayor Arthur Robes at Rep Florida Robes ng San Jose del Monte City sa Bulacan sa kanilang mamamayan na mabibigyan ang mga ito ng libreng bakuna.

Ayon kay Rep Robes, hiniling na nila sa pamahalaan na mabigyan ang kanyang nasasakupan ng libreng bakuna.

“We will shoulder the rest if the demand is higher. Everyone will get a jab free of charge,” saad ng mambabatas.



Sinabi pa ni Robes na hinihingi niya ang pagpayag at patnubay mula sa InterAgency Task Force (IATF) kaugnay sa kung anong bakuna/gamot ang dapat gamitin at kung kailan nila dapat simulan ang pagbabakuna.

Sa kasalukuyan, ang SJDM ay may populasyon na halos nasa 1 milyon.

“No one will be left out in the vaccination in San Jose del Monte. This is for our own protection,” ayon naman kay Mayor Robes.

Sinabi pa ng mag-asawang Robes na prayoridad sa pagbabakuna ang medical frontliners, security personnel, matatanda, mga bata at mga may karamdaman.

“I regularly talk to the IATF to update us on the process,” dagdag pa ni Rep Robes.



Ang pamahalaang lungsod ng SJDM ay patuloy na nagpapatupad ng mga panuntunang pangkalusugan sa kanilang mamamayan bilang pangunang panlaban sa sakit, ayon pa sa mag-asawa.

“We urge the public to continue observing health protocols, ” giit pa ng mag-asawa.

Hanggang Disyembre 30, ang San Jose del Monte ay mayroon lang na 40 active cases o halos 2 porisyento mula sa 1,729 kumpirmadong kaso ng na may COVID-19, 1,608 gumaling at 81 nasawi.

Naabot ng San Jose del Monte noong Disyembre 4 ang rurok ng pagkakakilanlan nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 1057 na nagsasaad sa lungsod bilang isang ” highly-urbanized city.”

Magsasagawa ng plebesito upang pagtibayin ang proklamasyon.

“This is another important milestone for San Jose del Monte. We thank President Duterte for signing the proclamation,” dagdag ni Rep. Robes.