Advertisers

Advertisers

Pulis bulagta sa ambush

0 362

Advertisers

BULAGTA ang isang kasapi ng pulisya nang pagbabarilin sa bahagi ng Davao-Cotabato National Higjway, Sitio Motorpool, Barangay Simuay Crossing, Sultan Kudarat, Maguindanao.
Kinilala ang biktima na si Patrolman Mark Iris Bisin Tendero, 25, may asawa, residente ng Barangay Baguer, Libungan, North Cotabato.
Sa ulat, 5:30 ng hapon nitong Miyerkules, Enero 6, 2021, nang maganap ang insidente.
Ayon sa report, sakay ng kanyang motorsiklong Honda RS 125 si Tendero pauwi ng Libungan nang sundan ito ng mga salarin na sakay din ng motorsiklo at niratrat sa bahagi ng Sitio Motorpool.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa krimen ng Sultan Kudarat PNP.