Advertisers

Advertisers

Toni dumepensa sa PBB housemate na pumabor na maipasara ang ABS-CBN

0 246

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

IPINAGTANGGOL  ni Toni Gonzaga ang PBB housemate na si Russu Laurente sa bagong edisyon ng Pinoy Big Brother.

Sa kanyang social media account, isa kasi si Russu sa nag-push noon at nag-say ng ‘Yes’ para maipasara ang ABS-CBN.



Inamin naman ito ni Russu at sinabing ang kanyang stand ay naimpluwensiyahan ng mga sumusuporta sa Pangulong Duterte.

Idinepensa pa niya na normal lang sa kanya ang magpakita ng suporta kay Digong dahil siya ay mula sa  Mindanao.

Dahil sa kanyang naging hanash, hindi tinantanan ng bashers si Russu, isa rin sa mga dahilan kaya siya na-evict sa nasabing reality show.

Sa kaso naman ni Toni, host ng PBB, ipinagtanggol nito ang tinaguriang “Bunsong Boksingero ng Gensan.”

Umapela rin siya sa netizens na patawarin na ang nabanggit na PBB evictee.



“People are very quick to judge him, call him names and crucify him on social media because of it without realizing that at 19 years old, he doesn’t know the gravity of words spoken. He has learned his lesson and this will help him grow and mature in life. “And now that he knows better, he will do better. May this also serve as a reminder for us to not define and label a person by the mistakes they’ve committed but from how they rise up, rebuild and become a better person they are really supposed to be,” ani Toni.

“I hugged the boy after the show and kept apologizing.  Forgiveness is a gift everyone deserves,” ani Toni.

Bago kay Russu, unang na-evict sa Bahay ni Kuya ang Courageous Cabalen ng Pampanga na si Justine Dizon pagkatapos ng kontrobersyal na komento nito sa kapwa housemate na “uy, marumi ka nga pala.”

Matatandaang bago rin na-evict si Russu, nag-post ang pamosong talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang Facebook account noon na nanawagang huwag suportahan ang PBB auditionee na sumuporta para maipasara ang ABS-CBN.