Advertisers

Advertisers

Vaccination program ng pamahalaan pinasisilip sa Kamara

0 253

Advertisers

ISANG resolusyon ang inihain ni Marikina Rep. Stella Quimbo upang silipin ang COVID-19 vaccination program ng pamahalaan.
Nakasaad sa House Resolution 1455 ang pag-aatas sa House Committee on Good Government and Public Accountability na silipin ang inilalatag na COVID-19 vaccination program ng gobyerno.
Bahagi rin nito ang pagtitiyak na cost-effective ang distribusyon at sapat ang logistical equipment gayundin ang capacity-building para sa implementasyon ng programa.
Diin ni Quimbo, importanteng may malinaw na plano kung papaano gagamitin ang pondo at mabantayan kung magkano pang pondo ang kakailanganin para sa COVID-19 vaccine.
Pinasisiguro rin ng mambabatas na ang mga doses ay epektibong maibibigay sa lahat ng rehiyon sa bansa at may sapat na kakayahan ang mga ahensya para mabilis na maisagawa ang distribution ng bakuna.
Pinatitiyak din nito na mayroon na rin nakalatag na plano para sa sapat na cold storage capacity, manpower, gampanin ng LGU at private sector, information dissemination sa bakuna at monitoring sa programa. (Henry Padilla)