Advertisers

Advertisers

14 DPWH district engineers sinibak sa katiwalian – Sec. Villar

0 275

Advertisers

SINIBAK na ng pamunuan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang 14 na mga district engineers matapos ang isinagawang imbestigasyon ng kanilang binuong task group.
Inanunsyo ito ni DPWH Secretary Mark Villar kasabay ng pahayag na may aasahan ding balasahan sa ahensya.
Dagdag ng opisyal, magpapatuloy pa rin ang pagsisiyasat sa iba pang dawit din sa katiwalian.
Nanawagan naman ng tulong si Villar sa iba pang ahensya ng gobyerno para mapalakas pa ang kaso laban sa mga tiwaling tauhan.
Target ng kalihim na malinis ang buong ahensya sa lalong madaling panahon, bilang tugon na rin sa nais mangyari ng Pangulong Rodrigo Duterte. (Josephine Patricio)