Advertisers

Advertisers

Inumin ni Dacera nilagyan ng droga

0 272

Advertisers

MAY inilagay na kung anuman sa inumin ng flight attendant na si Christine Dacera ang isa sa mga nakasama nito sa New Year’s Eve party, ayon sa isa sa respondents sa Dacera “rape-slay” case.
Sinabi ni Rommel Galido, isa sa mga kasama ni Dacera sa loob ng inupahang kwarto sa isang hotel sa Makati City, na sinabihan siya ng biktima na may inilagay sa kanyang inumin ang isang nagngangalang “Mark”.
Tumabi aniya sa kanya si Dacera at sinabihan siya na naiiba ang kanyang pakiramdam at baka raw may inihalo sa kanyang inumin.
Sinabi, aniya, sa kanya ni Dacera na si Mark ang pinatutungkulan nito.
Akala raw ni Galido ay wala lamang ito kaya sinabihan na lamang niya si Dacera na matulog na lamang ito.
Pinatungkulan ni Galido rito si Mark Anthony Rosales, isa rin sa respondents sa kaso.
Nanindigan naman ang pamilya ng biktima na may iligal na droga na inihalo sa inumin ni Dacera ilang sandali bago pa-man ito idineklarang dead on arrival sa Makati Medical Center.
Pero mariing itinanggi ito ni Galido at iba pang respondents sa kaso na sina Clark Rapinan, JP dela Serna, at Valentine Rosales na pawang kasama rin ni Dacera sa inupahang hotel room nang salubungin ng mga ito ang Bagong Taon.