Advertisers

Advertisers

Kaso ni Dacera, minamadali – VACC

0 608

Advertisers

HINDI katanggap-tanggap ang imbestigasyon ng mga pulis dahil hindi sapat ang kanilang mga vital evidence na ipinrisinta para sabihing “ solved” na ang kaso ng napatay na flight attendant na si Cristne Dacera.
Sinabi ni VACC President Boy Evangelista sa media zoom forum ng National Press Club (NPC) na sang-ayon ito sa naging reaksyon ni NCRPO Brig.General Vicente Danao Jr., na hindi pagsang-ayon sa naging pahayag ni PNP Chief Debold Sinas na ang kaso ni Dacera ay “solved” na dahil kasunod aniya nito ay “Case Closed’.
Nanawagan si Evangelista sa PNP na hindi sila mandatory sa kanilang ‘rules of engagement’ na mag-apura kahit na hindi sapat ang ebidensya na hindi base sa science tulad ng DNA, Autopsy, Pathologies report o toxicology result.
Aniya, ano man ang ihain nilang kaso ay masasabing “bound to fail” kaya ang Prosecutor’s Office ay nagkaroon ng magandang desisyon kungsaan ang sunod na hakbang ay para sa “further investigation” upang bigyan ang PNP ng sapat na panahon na mangalap ng mga ebidenysa.
Ayon kay Evangelista, nais nila ang katotohanan at hustiya sa bawat panig ng biktima maging sa mga respondent. (Jocelyn Domenden)