Advertisers

Advertisers

Mag-amang Recah at Chino!

0 256

Advertisers

Yung ama nakuha ang palayaw sa isang karakter sa komiks na seksyon sa magasing Liwayway. Hindi raw niya mabigkas at mabaybay nang maayos kaya nagkaroon pa ng titik H. Marami tuloy ang nagkakamali na isa siyang babae.

Ang anak naman ay binansagan ng kanyang nickname dahil chinito siya noong maliit pa. Pero akala raw niya ay ipinangalan siya sa haligi ng Ph media na si Don Chino Roces.

Sila sina Recah at Chino Trinidad, ang mag-tatay na matapang na journo. Naging espesyal na bisita natin ang mga Trinidad ng Mandaluyong sa pitong taon na programang OKS noong Lunes.



Si Recah ang sikat na print journalist ay nag-aral sa UST kung saan niya nakilala ang ina ni Chino na si Fe Lacsamana.

Nagtrabaho sa DZHP, Manila Times, Bulletin Group at sa Phil Daily Inquirer. Ang huli niyang assignment ay ang Bare Eye na column sa PDI.

Yung kanyang serye na mga feature article sa mga MICAA player sa Sunday Times Magazine ang isa sa mga dahilan kung bakit tayo nahilig sa basketball. Sinulat niya noon ang mga istorya nina Robert Jaworkski, Orly Bauzon, Freddie Webb at iba pang bantog na cager.

Nang tinanong natin kung ano ang greatest victory ng isang pambansang koponan na personal niyang na-cover ay heto ang kanyang sagot.

“Ang hindi natin malilimutan na tagumpay ng isang RP team ay ang pagsungkit ng korona ng Asian Basketball Confederation taong 1973 sa Rizal Memorial Stadium na ipinagbunyi nating mga Pilipino,” sagot ng naging editor ng Tempo.



Si Chino naman ay nagsimula sa PBA radio coverage, naging PBL Commissioner, Sports Saksi sa GMA-7 at DZBB. Nananatili siyang bahagi ng Kapuso news hanggang ngayon.

Ire kanyang tugon sa question na kung ano pinakaimportanteng lesson na tinuro ng kanyang parientes.

“Integridad at dignidad ang mahalagang natutunan ko sa aking mga magulang na aking naging prinsipyo sa buhay at sa hanapbuhay,” wika ng panganay nina Recah at Fe.

Kahit daw siya idemanda ng malalaking tao ay hindi siya matatakot basta’t nasa tama siya. May isinampa sa kanyang kaso bago mag-Pasko sina Ricky Vargas, Patrick Gregorio at Ed Picson.

Para sa kabuuan ng ating panayam ay maari kayong pumunta sa You Tube at i-type lang ang OKS@DWBL Jan 4, 2021.

***

Sa ika-18 ng buwang kasalukuyang ay panauhin natin sa palatuntunan sa DWBL ang kambal na tri-athlete na Jerome at Joshua Nelmida, kapwa PWD.

Ipinanganak silang walang paningin pero nagsikap na mag-aral mabuti at maging mga kampeon na atleta. Nananalo pa nga sila sa ilang paligsahan sa swimming na sighted ang mga kalaban.

Kamakailan ay tumulong tayo sa fund drive ni katotong Lito Cinco upang magkaroon ng siomai na negosyo ang magkapatid.

Nakakatuwa ang mga physically na challenged tulad nila na hindi bumibitaw at bagkus kumakayod nang husto para umangat ang buhay. Mga mabuting halimbawa para sa lahat. Mabuhay kayo!