Advertisers
BINALAAN ni Manila Police District Director, Brigadier General Leo Francisco, na aarestuhin ang mga lalabag sa ipinapatupad na safety protocols sa pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila.
Ayon kay Francisco, mayroong mga bus mula sa Bureau of Jail Management and Penology na ipakakalat sa lugar upang maging pansamantalang piitan ng mga mahuhuli.
Marami anya ang mga nakakalat na pulis sa lugar upang magbantay at magpatupad ng protocols.
Pagsasabihan, sabi ng opisyal, ang mga deboto na panatilihin ang physical distancing dahil sa panganib parin ng Covid-19.
Iginiit nito na kapag hindi mapagsabihan at pasaway ang mga deboto ay mapipilitan silang arestuhin.
Ipinagbabawal din sa pista ang hindi pagsusuot ng sapin sa paa.
Bawal din magtungo sa lugar ang mga bata na edad 16 pababa at matatanda na magigit 65 taon gulang base na rin sa guidelines ng IATF.
Nauna nang sinabi ng MPD na aabot sa 6,000 pulis ang kanilang ipakakalat sa okasyon bukod pa ang mga force multipliers.(Jocelyn Domenden/Jonah Mallari)