Advertisers

Advertisers

Motorsiklo at ilan pang sasakyan inararo ng dumped truck: 1 patay, 6 sugatan

0 219

Advertisers

NASAWI ang isang motorcycle rider at anim iba pa ang sugatan nang araruhin ng isang dumped truck ang ilang motorsiklo at mga sasakyan sa Pamplona, Camarines Sur.
Kinilala ang nasawi na si Bebot Namalangkay, residente ng Barangay 649, Port Area, Manila.
Sugatan naman sina Jeron Osario, 47; Cristina Pumparada, 41; Roy Merciano, 37; Ace Dave Merciano; Jesthony Tayoto, 31; at Rosemarie Tayoto na kaagad isinugod sa ospital.
Sa ulat, binabagtas ng isang Isuzu Truck ang kahabaan ng Barangay Tambo at pagdating sa junction binangga ang ilang motorsiklo, dalawang cargo truck, isang Toyota Vios at isang Hilux.
Ayon sa driver ng truck na si Reynaldo Gaza, 44, nawalan siya ng kontrol sa manibela dahil sa hindi pagkagat ng preno nito.
Nasa kostudiya na ngayon ng Pamplona Police ang driver ng truck at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.