Advertisers

Advertisers

Myrtle Sarrosa pinag-agawan ng Cruz brothers

0 245

Advertisers

Ni BKC

SINO kaya ang pipiliin ni Myrtle Sarrosa sa Cruz brothers na sina Rodjun at Rayver?

Ito ang dapat abangan sa upcoming episode ng Tadhana na pagbibidahan ng tatlong Kapuso stars.



Sa kuwento, mapagmahal na asawa si Mona na gagampanan ni Myrtle. Long distance ang relasyon niya at ni Diego (Rodjun) na isang OFW. Sa pag-aasikaso ng kanyang maliit na bakery, katulong ni Mona ang kapatid ni Diego na si Natoy (Rayver).

Isang araw ay nasunog ang pinapasukang factory ni Diego at isa siya sa mga napabalitang nasawi mula rito. Mula noon, si Natoy na ang nagiging kasama ni Mona sa pagharap sa lungkot ng pagkawala ng kanyang asawa, hanggang sa tuluyan nang nahulog ang loob nila sa isa’t isa.

Pero paano kung biglang bumalik si Diego sa kanilang mga buhay? Aaminin kaya ni Mona ang relasyon niya sa utol ng asawa o mananatili itong lihim?

Exciting ang episode na ito ng Tadhana, hosted by Marian Rivera, kaya tutok na ngayong Sabado (January 9), 3:15 p.m. sa GMA Network.

***



Drew Arellano tuloy pa rin ang K-Pop experience

Bagong taon, bagong biyahe kasama ang Biyahe ni Drew.

Ngayong Biyernes (January 8), kahit may pandemic ay hindi magpapapigil si Drew Arellano sa kanyang pagbiyahe sa South Korea from the comforts of his own home.

Samahan si Drew sa kanyang Biyaheng K-Pop na magte-take siya ng dancing lessons sa tulong ng Korean Cultural Center. Magkakaroon din ng virtual tour si Drew sa fifth tallest building in the world—ang 556 meters na Lotte World. May healing walk pang mae-enjoy kasama ang alpacas ng Alpaca World.

Hindi kumpleto ang biyahe kung walang food trip. Kaya naman tikman ang authentic Korean dish na sweet Korean pancakes na kayang-kayang lutuin sa loob ng bahay.

Abangan lahat ng ito sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 10 p.m. sa GMA News TV.