Advertisers

Advertisers

Elia Ilano pinakabatang lider sa buong mundo ng State of Youth Organization

0 494

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

SI Elia Ilano ang nag-iisang Filipino at pinakabatang lider sa buong mundo ng State of Youth Organization na inilunsad ng KidsRights Foundation.

Nagpahayag ng kagalakan ang child actress sa blessing na ito.



Saad ng 10-year-old na si Elia, “Sobrang blessed and happy po ako dahil bukod sa pagiging founder ng Youth Environmental Guardians and sa aking suporta sa Hope in a Star na para sa edukasyon ng kabataang Pilipino, mas magagamit ko pa po yung interest and knowledge ko sa current issues and events.”

Ang State of Youth Organization ay binubuo ng mga kabataan sa buong mundo na naglalayong magbigay ng awareness sa pamamagitan ng iba’t ibang advocacies na kaugnay sa Sustainable Development Goals na inilunsad ng United Nations.

Ang humanitarian efforts ni Elia sa pamamagitan ng kanyang charity works ay ang pangunahing dahilan kung bakit siya napansin at nakuha ng organisasyong ito.

Para sa kauna-unahang event project ng child star, ito ay tatalakay sa SDG#8 na Economic Growth na maglulunsad siya ng 3-Part Webinar Series (simula January 9) sa pamamagitan ng social media na pinamagatang “Ace That Interview” na magbibigay tulong sa Job Interview skills ng kabataang Pilipino sa gitna ng pandemya.

Para sa ibang detalye, bumisita sa https://www.chapters.stateofyouth.org/o/State-of-Youth-Manila/Activities/30448 para malaman ang iba pang detalye.

Si Elia ay isang contract artist ng Viva Artists Agency at mapapanood sa forthcoming movie ng Viva Films titled The Housemaid (PH Adaptation) na tinatampukan ng former beauty queen na si Kylie Verzosa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">