Advertisers

Advertisers

Paghawak ng PNP sa Dacera case pinapaimbestigahan sa Kamara

0 246

Advertisers

PINASISIYASAT ng Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang paghawak ng Philippine National Police (PNP) sa kaso nang pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.
Inihain nitong Huwebes, Enero 8, ng Makabayan Bloc ang House Resolution No. 1458 para himukin ang House Committee on Public Order and Safety na magrekomenda ng mga hakbang sa PNP sa pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon upang matiyak ang patas at competent na resolution nang kaso.
Pinuna ng Makabayan Bloc ang “premature” declaration ng PNP na “rape-slay” ang kaso ni Dacera dahil sa umano’y lacerations at sperm na nakita sa ari nito, pati na rin ang pasa at kamlot sa kamay at binti nito.
Base anila sa resulta ng autopsy na isinagawa sa katawan ni Dacera, binawian ng buhay ang biktima dahil sa ruptured aortic aneurysm, salungat sa sinasabing “rape-slay” case na iginigiit ng PNP.
Dagdag pa ng mga kongresista, idineklarang case solved ng PNP ang naturang kaso kahit pa tatlo lamang sa 11 suspects ang naaresto.
Tila nagmamadali anila ang PNP na isara na ang naturang kaso para ipagyabang bilang New Year accomplishment upang sa gayon ay isalba ang institusyon sa naagnas at madungis na nitong imahe bunsod ng ilang seryeng police brutality cases.